Mga kababayan ay kasasalta ko laang eh, mainit-init pa. Ako'y tubong Batangas, sa Alitagtag kabayan, doon sa tabi ng bulkan naku'y kaganda eh. Ako'y wala laang magawa, ay kaysa matulog ng maaga lagi at mag-ipon laang ng muta ay di mangungumusta na laang ako sa inyo. At kung kayo nama'y nasa ibang lugar lalo na diyan sa Saudi, nakuh kadami kung kaibigan at kumpare diyan, ako namay magpapaabot ng mga balita diyan tungkol sa mga nangyayari dineh. Naku ay karami ngayon ay parang may dilubyo na sa atin ih. Napakarami namang kasing walanghiya sa gobyerno natin, hindi ko naman nilalahat ano, ay puro kawatan ih. Pasensya na kabayan at hindi ko laang mapigilan and bugso ng aking butse.
Kayo nama'y patatawanin ko rin paminsan-minsan, mahirap namang lagi tayong seryoso. Maglalabas ako kabayan ng lingguhang horoskop, para sa mga lalaki laang areh, pero basahin nyo narin mga kababaihang kabayan. Huwag laang itong pagmumulan ng away magasawa, ayaw ko ng may babagan. Maglalabas din ako ng bukabularyong Batangueno para naman maintindihan ako ng mga taga kabilang baranggay. Sasampulan kita:"Nalipol ang aking salapot ay hindi ko makutaptapan eh.", "Parati ka nang nakaungkot sa pultahan, sabagay ay magaling naman iyan eh, kaysa nakatanghor ka lagi sa sugalan." Tanungin mo muna yang katabi mo kung anong ibig sabihin niyan.
Ay siyah ako'y parineh muna kabayan. Sa susunod na laang uli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment