Wednesday, January 26, 2011

Wiki-alaeh

Kabayan, areh ga'y alam mo pa? Mga taga ibang lugar ay ang mga areh eh salitang tagalog parin.

balisbisan -ito eh kung saan natulo at naiipon ang tubig galing sa bubungan na walang alulod o kaya nama'y galing sa tulo ng banggerahan. (Ay naku naman ay sanaw na ang balisbisan eh.)

banggerahan -dito naman ang hugasan ng mga pinagkainan, ng mga lulutuin pa, etc. ito ay pinaka lababo na yari sa kawayan. dito na rin isinasabit ang mga sandok, baso, palyok at iba pa. (Ay sulong at maghugas ka na ng kamay sa banggerahan at ng makakain na.)

naka-ungkot -naka istambay na walang ginagawa, laging nakatingin sa malayo. (Anong mangyayari sa iyo niyan kung lagi ka na laang naka-ungkot sa pultahan, kahigpit ga ng batang areh.)

pultahan -areh eh pinaka-gate ng bakuran ng bahay. (Bantayan mo na sa pultahan otoy ang iyong mamay at parating na siya.)

mamay -lolo

mautdo
-maigsi (Saan ka ga nagpagupit sobrang utdo naman ng buhok mo.)

sawing -salakot na yari sa dahon ng buli. (Ay, dala ang sawing at naambun na.)

wasang -derederetsong pagsasalita na bahagya mong maunawaan na medyo galit. (Ayon ang kumare mo ay wasang eh nawala daw ang bakya niyang bago.)

banil -nakalabas ang ugat. (Ang tiyo Uming mo, galit na galit banil na ang leeg sa kasisigaw
eh.)

kalaghara -plema (Yaaaakk kalaghara!!!)

sipol -pito (Kung hindi mo kayang kantahin isipol mo na laang.)

babag -away (Naku kaya pala naiyak ang dalawang iyan ay nagbabag eh.)

salapot -damit (Saan ka ga galing at basang-basa yang salapot mo.)

silong -ibaba ng bahay na nakatayo sa mga poste laang. (Yung gang motorsiklo sa silong ay iyo.)

pagakpak -motorsiklo na parang sa bumbay (Umalis na naman ang kuya mo sakay ng pagakpak.)

karibok -kagulo (Sayawang sawayan eh, ay naku nagkaribok ala patikaran eh.)

patikaran -nagtakbuhang papalayo

Marami pa kabayan sa susunod uli!!!





Friday, October 16, 2009

HOROSKOP SA LINGGONG AREH (Panlalaking Edisyon)

AQUARIUS
JAN 21-FEB 15

PERA
Makakapulot ka ng wallet na may lamang pera. Mawawalan ka naman ng trabaho. Kamalas niyan!

PUSO
May makikilala kang mistisa. Huwag kang magrereklamo kung mabaho ang paa. May tagos sa medyas.

KALUSUGAN
Kung babarik ka kabayan ay dadamihan mo ang iyong pulutan. Dayain mo ang tagay. Magaling sa iyo iyan.

PISCES
FEB 20-MAR 20
PERA
Pong! Ay tama ka na naman eh. Kagaling mo ngayon.
PUSO
Nakupow ang balakubak ay puede ng pambalot ng lumpia eh. Saan mo ga napulot iyan.

KALUSUGAN
Kanina pang nilalangaw eh itapon muna naman.

ARIES
MAR 21-APR 20
PERA
Malapit ka nang tumama sa Lotto kasi malapit ka ng tumaya.

PUSO
Kung isasayaw mo sya idikit mo lang, pag may naramdaman ka lalaki iyan.

KALUSUGAN
Iwasan ang taba at mantika ng baboy, itapon na pag pasampu ng gamit. Kahigpit mo naman eh.


TAURUS
APR 21-MAY 21
PERA
Tumigil ka na laang sa bahay, wala rin laang mangyayari.

PUSO
May makakasabay ka sa elebeytor na 6 footer na negrong bakla tapos magbabrown out. Nakupow!!!

KALUSUGAN
Pawis na pawis ka ah. Sa susunod huwag mong lulunukin ang buto ng santol. Natuto ka na.

GEMINI
MAY 22-JUN 21
PERA
Huwag kang mangungutang ngayon madaming mainit ang ulo. Nasigawan na ako eh. Subukan natin bukas ha.

PUSO
Huwag kang maglalaro ng apoy. Huwag kang gagaya sa asawa mo. Nakakahiya.
KALUSUGAN
Takpan mo naman ang bibig mo pag nagsasalita ka…ha.

CANCER
JUN 22-JUL 22
PERA
May darating na malaking pera sa iyo ngayon. Suwerte mo.

PUSO
May pera ka na punta kang beer garden maganda araw mo ngayon.

KALUSUGAN
May pera ka na, magpatuli ka naman na…ha. 43 ka na…nahman.

LEO
JUL 23-AUG 21
PERA
Dalian mo mapuputulan ka ng kuryente habang nandiyan pa ang Bombay.

PUSO
Pagmasdan mo ang maamong mukha ng buwan sa likod niyan ay naroon ang nagmamahal sayo. Ganon kaimposible yun bugok!.

KALUSUGAN
Wala ka talagang kadaladala. Hindi hiyang sayo ang lambanog. Dilaw na ang lumalabas eh.

VIRGO
AUG 22-SEP 23

PERA
Yung kumpare mo pumipitopito pa, lapitan mo na.

PUSO
Oh anong napala mo, sabi ko naman sa iyo ang asawa niyan eh pulis. Nakupow!

KALUSUGAN
Huwag mo nang titigan buto laang ng bayabas iyan eh, iflush mo na.

LIBRA
SEP 24-OCT 23

PERA
Ano ga areh hindi pa bayad eh dadale na naman eh.

PUSO
Takbooo!!! Ay Lalaki pala iyan eh.

KALUSUGAN
A-ah, ay inaabot na sa salawal eh. Ay siyah.

SCORPIO
OCT 24-NOV 22

PERA
Ano naiwan mo ang walet mo, paano areh ay ang dami ng ating nakain. Nakupow!!!

PUSO
Wala ka namang kapilipili eh. Nasabi laang na babae iyan eh.

KALUSUGAN
Sige laban na huwag laang mababayag.

SAGUITARIUS
NOV 23-DEC 22

PERA
Uwi muna’t kumuha ka uli ng puhunan. Huli na ito.

PUSO
Tama desisyon mo, narinig ko, umutot.

KALUSUGAN
Ihi muna’t ako naman.

CAPRICORN
DEC 23-JAN 20
PERA
Buti na laang at pumusta ka sa kalaban.

PUSO
Suwerte ka dyan, nasapo mo na ng kamay ay may lalangawin pa eh. Kalapad ga ng diyan.

KALUSUGAN
Hindi ka ga titigil nang kakakamot.

UNANG SALTA

Mga kababayan ay kasasalta ko laang eh, mainit-init pa. Ako'y tubong Batangas, sa Alitagtag kabayan, doon sa tabi ng bulkan naku'y kaganda eh. Ako'y wala laang magawa, ay kaysa matulog ng maaga lagi at mag-ipon laang ng muta ay di mangungumusta na laang ako sa inyo. At kung kayo nama'y nasa ibang lugar lalo na diyan sa Saudi, nakuh kadami kung kaibigan at kumpare diyan, ako namay magpapaabot ng mga balita diyan tungkol sa mga nangyayari dineh. Naku ay karami ngayon ay parang may dilubyo na sa atin ih. Napakarami namang kasing walanghiya sa gobyerno natin, hindi ko naman nilalahat ano, ay puro kawatan ih. Pasensya na kabayan at hindi ko laang mapigilan and bugso ng aking butse.

Kayo nama'y patatawanin ko rin paminsan-minsan, mahirap namang lagi tayong seryoso. Maglalabas ako kabayan ng lingguhang horoskop, para sa mga lalaki laang areh, pero basahin nyo narin mga kababaihang kabayan. Huwag laang itong pagmumulan ng away magasawa, ayaw ko ng may babagan. Maglalabas din ako ng bukabularyong Batangueno para naman maintindihan ako ng mga taga kabilang baranggay. Sasampulan kita:"Nalipol ang aking salapot ay hindi ko makutaptapan eh.", "Parati ka nang nakaungkot sa pultahan, sabagay ay magaling naman iyan eh, kaysa nakatanghor ka lagi sa sugalan." Tanungin mo muna yang katabi mo kung anong ibig sabihin niyan.

Ay siyah ako'y parineh muna kabayan. Sa susunod na laang uli.