Kabayan, areh ga'y alam mo pa? Mga taga ibang lugar ay ang mga areh eh salitang tagalog parin.
balisbisan -ito eh kung saan natulo at naiipon ang tubig galing sa bubungan na walang alulod o kaya nama'y galing sa tulo ng banggerahan. (Ay naku naman ay sanaw na ang balisbisan eh.)
banggerahan -dito naman ang hugasan ng mga pinagkainan, ng mga lulutuin pa, etc. ito ay pinaka lababo na yari sa kawayan. dito na rin isinasabit ang mga sandok, baso, palyok at iba pa. (Ay sulong at maghugas ka na ng kamay sa banggerahan at ng makakain na.)
naka-ungkot -naka istambay na walang ginagawa, laging nakatingin sa malayo. (Anong mangyayari sa iyo niyan kung lagi ka na laang naka-ungkot sa pultahan, kahigpit ga ng batang areh.)
pultahan -areh eh pinaka-gate ng bakuran ng bahay. (Bantayan mo na sa pultahan otoy ang iyong mamay at parating na siya.)
mamay -lolo
mautdo -maigsi (Saan ka ga nagpagupit sobrang utdo naman ng buhok mo.)
sawing -salakot na yari sa dahon ng buli. (Ay, dala ang sawing at naambun na.)
wasang -derederetsong pagsasalita na bahagya mong maunawaan na medyo galit. (Ayon ang kumare mo ay wasang eh nawala daw ang bakya niyang bago.)
banil -nakalabas ang ugat. (Ang tiyo Uming mo, galit na galit banil na ang leeg sa kasisigaw eh.)
kalaghara -plema (Yaaaakk kalaghara!!!)
sipol -pito (Kung hindi mo kayang kantahin isipol mo na laang.)
babag -away (Naku kaya pala naiyak ang dalawang iyan ay nagbabag eh.)
salapot -damit (Saan ka ga galing at basang-basa yang salapot mo.)
silong -ibaba ng bahay na nakatayo sa mga poste laang. (Yung gang motorsiklo sa silong ay iyo.)
pagakpak -motorsiklo na parang sa bumbay (Umalis na naman ang kuya mo sakay ng pagakpak.)
karibok -kagulo (Sayawang sawayan eh, ay naku nagkaribok ala patikaran eh.)
patikaran -nagtakbuhang papalayo
Marami pa kabayan sa susunod uli!!!
Wednesday, January 26, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)